Naglunsad ang Philippine National Police (PNP) ng Nationwide Barangayanihan Help and Food Bank.
Ito ay upang makatulong pa rin sa mga Pilipinong lubhang apektado ng pandemya.
Sa paglulunsad ng proyekto, inoobliga na ang lahat ng Police Regional Offices at Unit na magkaroon nito kung saan dati ay mga piling police station lamang ang gumagawa ng Barangayanihan Help and Food Bank.
Kanina sa Camp Crame, dinala ang mga donasyong naipon ng iba’t ibang PNP units gaya ng bigas, delata, gulay at iba pa.
Mayroon ding mga medical supply na mula sa donasyon ng iba’t ibang stakeholders.
Sa ilalim ng Barangayanihan, namimigay ang PNP ng mga pagkain sa mga indibidwal na apektado ng pandemya.
Umiikot sila sa mga komunidad para marami ang mahatiran ng tulong.
Facebook Comments