PNP-Internal Affairs Service, maglalabas na ng resolusyon hinggil sa mga kontrobersyal na kaso na iniimbestigahan nila

Manila, Philippines – Maglalabas na ang PNP-Internal Affairs Service ng resolusyon kaugnay sa mga kontobersyal na kaso na kanilang iniimbestigahan.

 

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo – kabilang sa mga controversial cases ay ang pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, pagpatay sa koreanong negosyante na si Jee Ick Joo at pagkakasangkot ng ilang CIDG sa kasong kidnapping sa Bulacan.

 

Sa ngayon ay pirma na lamang ni PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa ang resolution para sa kaso laban sa grupo nina Ssupt. Marvin Marcos kung maaabswelto ang mga ito o masisibak sa serbisyo.

 

Dagdag pa ni Triambulo na kasama na rin dito ang kaso nina SPO3 Ricky Sta. Isabel na siyang primary suspek sa pagpatay kay Jee Ick Joo.

 

Aniya, sa darating na march 22 magsasagawa sila ng pressconference para sabay sabay irelease ang official decision ng pnp ukol sa mga akusadong pulis.

Facebook Comments