Inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, kapwa minaliit ng Malakanyang at liderato ng Kamara

14

Manila, Philippines – Tiwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi uusad ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Igniit ni Alvarez – mahirap mangyari ang ninanais ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano dahil walang matibay na basehan at pawang gawa-gawa o fabricated lamang ang mga reklamo laban sa Presidente.

 

Tiwala ang mambabatas na agad nang ibabasura sa kongreso ang impeachment complaint kapag dinetermina na ang sufficient in substance ng reklamo.

 

Ang mga grounds sa impeachment complaint laban sa Pangulo ay culpable violation of the constitution at betrayal of public trust.

Facebook Comments