Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na sundin ang lahat ng mga panuntunan o protocols sa proseso ng aresto at ang pagpapatupad ng batas.
Ito ang naging utos ni Pangulong Duterte sa PNP sa naganap na Joint Command Conference sa Malacañang kasama kung saan kasama din ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines.
Sa nasabing pulong ay tiniyak din naman ni Pangulong Duterte sa AFP at sa PNP ang kanyang suporta basta hindi lumalabag sa batas ang mga ito at ibibigay ang lahat ng kanilang mga pangangailangan.
Nagbigay din naman ng update ang PNP kay pangulong duterte patungkol sa Oplan Double Barrel at anti-criminality operations nito sa buong bansa.
Inilatag din naman ng PNP kay Pangulong Duterte ang kanilang internal cleansing o paglilinis sa kanilang hanay at ang mga matagumpay na operasyon sa paglaban sa New People’s Army.
Sa hanay naman ng AFP ay inilatag nito ang kanilang ginagawang operasyon sa Marawi City at ang pagpapatupad ng Martial Law sa buong Mindanao pati na ang ibinibigay na suporta nito sa PNP sa paglaban sa iligal na droga.
Humiling din naman ang AFP ng karagdagang 5 libong sundalo para sa kanilang nagpapatulow na security campaign.
PNP, inutusan ni Pangulong Duterte na sundin ang mga panuntunan sa pag-aresto at pagpapatupad ng batas
Facebook Comments