PNP, ipinagdiriwang ang ika-32 founding anniversary; mga accomplishments, ibinida

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang 32nd founding anniversary na may temang “patuloy na serbisyo publiko, handog ng pambansang kapulisan na may malasakit, kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng ating bayan”.

Sa talumpati ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., sinabi nitong nagbibigay pugay sila sa pagkakatatag ng PNP nuong January 29, 1991 na minamandato ng RA 6975 kung saan misyon nilang ipatupad ang batas, kontrolin ang krimen at panatilihin ang peace and order situation sa bansa.

Kasunod nito, ibinida ni PNP Chief ang ilang accomplishments ng Pambansang Pulisya ngayong ipinagdiriwang ang kanilang founding anniversary.


Kabilang na dito ang patuloy na pagganda ng peace and order sa bansa kung saan sa nakalipas na 3 linggo ay bumaba pa ang krimen na bunga naman aniya ng epektibong whole of givernment approach.

Binanggit din ni Azurin ang BIDA Program (Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan) na isang kampanya upang wakasan ang demand and supply ng droga sa bansa.

Sa katunayan, simula July 2016 umaabot na sa mahigit 1 milyong gumagamit ng ilegal na droga ang sumuko sa kapulisan at kasalukuyang sumasailalim sa drug rehabilitation program.

Naka aresto rin ang PNP ng 1,679 illegal drug personalities, nakakumpiska ng mahigit 10,000 gramo ng shabu at Marijuana kung saan may street value ito ng mahigit P150-M nito lamang nakalipas na linggo.

Facebook Comments