Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ. Amy Dela Cruz, tagapagsalita ng PNP Isabela, kasalukuyan ang kanilang ginagawang inspeksyon sa lahat ng istasyon ng pulisya para matiyak na makakapagbigay ng seguridad sa publiko saka-sakali mang magkaroon ng rally ang mga progresibong grupo.
Samantala, ayon kay Army Capt. Rigor Pamittan, Division Public Affairs Office Chief, may nakalaang deployment team ang pwersa ng kasundaluhan na siyang tutugon sakaling kailangan ang kanilang pwersa.
Dagdag pa ni Pamittan, buong pwersang nakabantay ang kanilang tropa lalo na sa bahagi ng Cordillera at lambak ng Cagayan.
Una nang iginiit ng ilang progresibong grupo ang gagawing planong pagbuhay sa Masagana 99 ni dating Pangulong Marcos Sr. na isa umanong palpak na ginawa ng kanyang ama noong panahon ng diktadurya.