Ilagan City, lsabela- Nasa Isang daang porsiyento na ang kahandaan ng kapulisan sa buong lalawigan ng lsabela sa pagbabantay ng seguridad sa nalalapit na halalan ngayong taon.
Yan ang ibinahaging impormasyon ni Deputy Provincial Director for Administration PSupt. Romel Rumbaoa sa panayam ng RMN Cauayan News Team kaninang umaga sa ginawang Provincial Joint Security Coordination Center (PJSCC) na pinangunahan ni Acting Provincial Director Romeo T. Mangwag.
Dinaluhan ito ng mga hepe mula sa ibat-ibang bayan at lungsod ng Isabela at kabilang sa kanilang pinag-usapan ay ang pagsasagawa ng sabaysabay at malawakang check point na uumpisahan mamayang alas dose ng Hating gabi para sa pagpapatupad ng gun ban.
Ayon pa kay Deputy Director Rumbaoa, ang halalang pambarangay umano ay isa sa may madugong labanan dahil sa mga nagdaang taon ng halalan ay may mga naitalang kaso ng mga karahasan kaya hindi din umano sila tumitigil upang tiyakin ang seguridad sa bawat barangay sa buong lalawigan ng Isabela.
Panawagan naman ni Deputy Director Rumbao sa ating mga kababayan na huwag umano silang matakot na magsumbong kung may mga kahinahinalang pagkilos at pagbabalak ng masama sa kanilang lugar lalo na kung may kaugnayan sa isasagawang halalang pambarangay.