PNP ISABELA, IBINIDA ANG ILANG MGA ACCOMPLISHMENTS

Cauayan City, Isabela- Ibinahagi ni PCol James Cipriano, provincial director ng Isabela Police provincial Office (IPPO) ang ilang accomplishments sa mga nakalipas na buwan ngayong taon.

Ayon sa pahayag ni PCol Cipriano, kahit may pandemya na dulot ng COVID-19, tulot-tuloy pa rin aniya ang operasyon ng bawat ng hanay ng pulisya sa probinsya na nagresulta sa pagkakahuli ng mga indibidwal na sangkot sa mga illegal na gawain.

Aniya, mula sa buwan ng Enero hanggang nitong ika-16 ng Mayo, mayroon ng mahigit dalawang (2) libo na ikinasang mga operasyon ang kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto ng 8,346 indibidwal na kung saan 6,583 sa mga ito ang nasampahan ng kasong paglabag sa RA 11332.


Ang buong hanay ng PNP Isabela ay nakapagsagawa ng 278 anti-illegal gambling operations na kung saan matagumpay na nahuli ang mahigit 900 indibidwal.

Umaabot naman sa 200 katao ang dinakip dahil sa illegal logging at nakumpiska sa kanilang mga pag-iingat ang kabuuang 31,744 boardfeet ng illegal na kahoy.

Nakahuli rin ang Isabela Police Provincial Office ng sampung (10) drug surrenderers at 124 na tulak ng droga na naitala mula Enero hanggang Mayo 16, 2021.

Nakapagkumpiska rin ang pulisya ng mahigit kumulang 194 grams ng marijuana na tinatayang aabot sa halagang mahigit kumulang P22 milyong piso.

Nasa 26.7 grams naman ng Shabu ang kabuuang nakumpiska ng PNP Isabela na aabot naman sa halagang mahigit Php176,000.

Mayroon namang mga nabunot na marijuana plants na tinataya namang nagkakahalaga ng P7-milyong piso.

Ayon pa sa Provincial Director, nagpapatuloy ang anti-illegal drug campaign ng bawat hanay ng pulisya sa probinsya katuwang ang PDEA Isabela.

Indikasyon aniya ito na maganda ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan sa Lalawigan kasama ang mga volunteers na nagbibigay ng mga impormasyon upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments