PNP Isabela, Nagpaalala sa Publiko Kaugnay sa mga Menor de Edad na Biktima ng Iligal na Droga

62

*Cauayan City, Isabela*- Muling nagpaalala ang Isabela Police Provincial Office sa publiko kaugnay sa mga nagiging biktima ng iligal na droga partikular na ang mga menor de edad.
Kasabay ito ng pagkakaresto ng isang 14 anyos na Grade 9 Student kagabi na gumagamit ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob mismo ng kanilang paaralan sa Luis Fe Gomez High School sa Bayan ng Cabatuan.
Ayon kay Provincial Director PCol. Mariano Rodriguez, nababahala ito dahil walang pinipiling edad ang nagiging sangkot sa paggamit ng iligal na droga.
Patuloy naman ang kampanya ng pulisya sa publiko kaugnay sa programang Kabataan Kontra Droga at Terorismo.
Nagpaalala naman ito sa mga magulang na higpitan ang pagbabantay sa kanilang mga anak upang hindi mabiktima ng iligal na droga.

Facebook Comments