Manila, Philippines – Iginiit ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na kailangan pa rin nila ang Philippine National Police sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.
Ito ay kahit na inutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDEA na lamang ang gagawa ng mga operasyon kontra iligal na droga.
Ayon kay Aquino mayroon lamang silang 1100 agents sa buong bansa at kung iaasa lang sa kanilang ang mga operasyon kontra iligal droga posibleng bumaba ang accomplishment sa anti-illegal drugs campaign.
Magkagayunpaman susundin lamang daw nila ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon aniya hihingi na lamang sila ng manpower sa PNP sa tuwing may operasyon .
Tiniyak naman ni Aquino na lehitimo ang lahat operasyong kanilang gagawin, sa katunayan aniya mula July 1 nang nakalipas na taon hanggang ngayong araw aabot nasa 28 drug suspects ang napatay sa kanilang drug operations.