PNP: Kasong ‘estafa’, nangungunang kaso ng cybercrime sa bansa

Bagama’t bumaba ng 10% ang antas ng krimen sa bansa, patuloy na tumataas ang naitatalang kaso ng cybercrime sa bansa ayon sa Philippine National Police (PNP).

Iniulat ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na nangungunang kaso ng cybercrime sa bansa ang swindling o estafa na may 15,937 na kaso.

Sinundan naman ito ng illegal access na nasa higit 4,000 cases; at identity theft, online libel, at credit card fraud, na may higit 2,000 case.


Ayon kay Acorda, karamihan sa cybercrimes ay localized o ginawa mismo sa Pilipinas.

Dahil dito, tututukan aniya ng PNP ang tumataas na kaso ng cybercrime sa bansa at paiigtingin ang training ng mga kapulisan hanggang sa municipal level.

Aminado rin si Acorda na nahihiirapan ang PNP na tukuyin ang mga nasa likod ng cybercrime, gayunpaman, malaking bagay aniya para sa kanilang mga imbestigasyon ang SIM Card Registration Law.

Facebook Comments