PNP, kaya raw patunayan na nanlaban ang mga drug suspect na napatay sa mga operations

Manila, Philippines – Kaya umanong patunayan ng Philippine National Police (PNP) na nanlaban ang mga drug suspect na napatay sa kanilang mga operasyon.

Buwelta ito ng PNP kasunod ng bagong survey ng Social Weather Stations na nagsasabing karamihan ng mga pinoy ang naniniwalang hindi lahat ng napatay ng mga pulis sa kanilang anti-drug operation ay nanlaban.

Giit ni PNP Spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos – walang pinagbabasehang imbestigasyon at datos ang SWS survey.


Gayunman, inirerespeto ng PNP ang naging resulta ng survey.

Dagdag pa ni Carlos, patunay na nanlaban talaga ang mga drug suspect ang 85 pulis at sundalong nasawi sa kanilang operasyon bukod pa ang nasa 200 nasugatan.

Facebook Comments