Hindi dapat maalarma ang publiko kasabay ng sunod-sunod na naitatalang bomb threat.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo, wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad na makakapaminsala sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.
Ani Fajardo, puspusan ang ginagawang paneling ng PNP Aviation Security Group sa mga paliparan sa buong bansa upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero.
Pinaigting na rin aniya ng National Capital Region Police Office ang presensya ng pulisya sa mga istratehikong lugar upang hindi masalisihan ng mga nagtatangkang maghasik ng gulo.
Matatandaang nito lamang isang linggo, sunud-sunod ang mga insidente ng bomb threat sa ilang paliparan sa bansa.
Samantala, una nang naaresto ng NCRPO ang suspek sa molotov bombing sa NAIA Terminal 3 kamakailan.