MANILA – Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na ipagpatuloy lang ang normal na buhay.Kasunod ito ng pagtataas ng pnp sa buong bansa ng terror alert level 3 dahil sa bantang pambobomba ng Maute group.Paliwanag ni PNP Spokesman, Sr. Supt. Dionardo Carlos, mayroon pang mas mataas na alerto ang pulisya ito ang terror alert level 4 na ang katumbas ay “severe” at terror alert level 4-b na ang katumbas ay “critical”.Gayunman, patuloy ang apela ng pnp sa publiko na maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang kilos o bagay.Tiniyak ng opisyal na gagawin nila ang kanilang trabaho para matiyak ang seguridad ng publiko.Kahapon, nanawagan din si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mamamayan na i-enjoy lang ang pasko sa kabilang terror alert.
Pnp, Kinalma Ang Publiko Kasunod Ng Pagtaas Sa Buong Bansa Ng Terror Alert Level 3
Facebook Comments