Sen. De Lima, Walang Plano Na Harapin Ang Dating Nakarelasyon Na Si Ronnie Dayan Sa Pagdinig Ng Senado Sa Lunes

4

MANILA – Walang plano si Sen. Leila De Lima na harapin ang dating nakarelasyon na si Ronnie Dayan sa gagawing pagdinig sa Lunes (December 5).Ayon kay De Lima, ayaw niyang pagpiyestahan sila tulad ng naging pagdinig ng kamara noong humarap si Dayan kung saan naging malisyoso umano ang pagtatanong ng mga kongresista.Anya, panonoorin nalang niya ang pagtestigo ni Dayan habang siya ay nasa opisina.Sabi ng senadora, aabangan niya kung papaano pagtatagpuin ang testimonya laban sa kanya nina Dayan at Kerwin Espinosa na umanoy nagbigay sa kanya ng drug money.Samantala, kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na nakabalik na sa Metro Manila si Dayan.Nanatili sa camp crame si Dayan dahil sa usaping pang-seguridad at kaligtasan.

Facebook Comments