Pnp Kinampante Ang Taumbayan Sa Umiiral Na State Of Lawlessness Sa Buong Bansa

4

MANILA – Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa taumbayan na huwag matakot sa idineklarang State of Lawlessness ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa.Sa press conference, tiniyak ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na hindi ito aabusuhin ng mga otoridad.Kaugnay nito, nagpaalala din si dela Rosa na iwasang magpakalat ng mga advisory na hindi kumpirmado ng mga otoridad.Una nang ipinaalala ng Malakanyang na dapat lang na ipagpatuloy ng publiko ang kanilang buhay habang tumutulong sa otoridad sa pamamagitan ng pagsusumbong ng mga kahina-hinalang aktibidad.Pinayuhan ni Communications Secretary Martin Andanar ang mga Pilipino na huwag matakot, pero manatilong listo o alerto.

Facebook Comments