PNP, kinilala ng international community sa paglaban sa online sexual abuse and exploitation of children

Kinilala ng international community ang Philippine National Police (PNP) sa paglaban nito sa mga sindikatong sangkot sa online sexual abuse and exploitation of children.

Ito’y kasunod narin ng naging matagumpay na operasyon kamakailan ng PNP Women and Children Protection Center (WCP) kung saan 12 bata ang nasagip mula sa online child pornography at kalaboso naman ng 2 suspek.

Ayon kay PNP chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., dahil sa pagkaka-aresto ng 2 facilitators ay inaasahan na ring mapapasakamay ng mga awtoridad ang mga kliyente nito.


Nabatid na ang mga suspek ay target ng imbestigasyon ng US Department of Homeland Security at mga pulis mula sa Germany, Sweden, Norway at Australia.

Sinabi pa ng PNP chief na sa nakalipas na araw, mula Setyembre 11 hanggang 17, 29 na biktima na ang nailigtas at kabuuang 3 indibidwal naman ang naaresto ng PNP WCPC sa magkakahiwalay na operasyon.

Facebook Comments