Dating ES Vic Rodriguez, hindi makakatakas sa isyu ng “sugar fiasco”

113

Nangako si Senator Risa Hontiveros na hindi siya titigil sa paghahanap ng katotohanan kaugnay sa tinaguriang ‘sugar fiasco’ kahit pa nagbitiw na bilang Executive Secretary (ES) si Atty. Victor Rodriguez.

Ayon kay Hontiveros, kahit nagbitiw na sa pwesto ay may obligasyon pa rin si Rodriguez sa Senate Blue Ribbon Committee partikular sa ‘minutes’ ng nangyaring virtual meeting kung saan nabanggit ang importasyon ng 600,000 metric tons na bigas na hanggang ngayon ay hindi pa rin naisusumite sa komite.

Giit ng senadora, hindi matatakasan ni Rodriguez ang kanyang responsibilidad kahit saang posisyon pa ng gobyerno ito mapunta.


Aniya, huwag ding gawing “trip to Jerusalem” ng nagbitiw na ES ang serbisyo sa pamahalaan dahil sa nababagabag ito ng kanyang konsensya.

Pagtitiyak pa ni Hontiveros, kahit pa pilit na ibinabaon sa limot ang isyu ay ipagpapatuloy nila ang kanilang mga hakbang para malaman ang totoo sa kontrobersyal na sugar importation order.

Facebook Comments