Monday, March 30, 2026

PNP, kinondena ang ambush sa Shariff Aguak; 5 pulis patay, 3 sugatan

Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang ambush sa mga police personnel sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong Sabado, March 28.

Inatake ng hindi pa nakikilalang armadong suspek ang mga miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company habang pauwi mula sa operasyon.

Limang pulis ang nasawi habang tatlo ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Naglunsad ng hot pursuit operation ang PNP, sa koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), upang matukoy at maaresto ang mga salarin.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang PNP sa mga pamilya ng mga nasawing pulis.

Facebook Comments