PNP, kinumpirma ang pagsasampa ng homicide case laban sa dalawang barangay security officers na nambugbog sa isang curfew violator sa Laguna

Kinumpirma na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng dalawang homicide case laban sa dalawang barangay security officers na nambugbog umano sa isang lalaking sumuway sa curfew sa Calamba City sa Laguna nitong nakaraang linggo.

Kinilala ang curfew violator na si Ernanie Jimenez, na namatay sa ospital matapos magtamo ng maraming bugbog sa katawan bunga ng sipa ng apat na miyembro ng Quick Response Team (QRT) na sina Arjay Abierta at Joel Ortiz habang hindi naman na mahagilap ang kasama ng mga ito.

Ayon kay PNP Police Brigadier General Ildebrandi Usana na tagapagsalita rin ng ahensiya, inaayos na nila ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa dalawang security officers.


Mariin namang itinanggi nina Abierta at Ortiz gayundin ng mga opisyal ng barangay ang paratang saka iginiit na nabagok daw ang ulo ng biktima nang tinangka nitong tumakas kung saan agad nila itong isinugod sa Calamba Medical Center at kalaunan ay namatay habang ginagamot.

Facebook Comments