PNP, kinumpirma na 2 pulis pa lang ang positibo sa COVID-19

Dalawa pa lamang ang Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Nilinaw ito ng pamunuan ng PNP kasunod ng naunang report na may nag-positive sa PNP Chaplain Service.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac dalawa pa lang ang may confirmation batay sa resulta na inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).


Una ay isang 32 anyos na assigned sa Metro Manila at ang pangalawa ay isang 52 anyos na Police na Assigned naman sa lalawigan ng Laguna.

Ang dalawa ay naka home quarantine at mahigpit na minomonitor ng mga doktors mula sa PNP.

Ang kaso sa Chaplain Service ay PUI pa lamang dahil wala pang resulta na inilalabas ang RITM sa kaniyang COVID 19 test.

Una nang sinabin ni Dr Duds Santos ng PNP General Hospital na may nagpositive sa COVID-19 test sa Chaplain Service.

Nakaconfine ito ngayon sa St. Luke’s Medical Center sa BGC matapos na maging kritikal nitong mga nakalipas na araw.

Dahil dito ay matinding disinfection ang isinagawa sa mga police station kung saan kabilang ang dalawang nagpositibo sa COVID-19 Test at gumagawa na rin ng contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha sa trabaho at sa pamilya.

Facebook Comments