PNP, kinumpirmang mayroon pa ring ilegal na e-sabong!

Tuloy pa rin ang pamamayagpag ng ilegal na e-sabong sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., makaraang sabihing may namo-monitor pa rin ang Pambansang Pulisya na mga nagpapalaro ng e-sabong.

Ayon kay Azurin, nagbigay na siya ng direktiba sa lahat ng National Support Unit (NSU) para pagtulungang hanapin at patigilin ang mga ilegal na nag o-operate ng e-sabong.


Paliwanag nito, dapat matuldukan na ang pamamayagpag ng e-sabong sa bansa dahil sa naging negatibong epekto nito sa maraming manlalaro, kabilang na ang pagkawala ng 34 na mga sabungero.

Isa pa rito ang pagkakalulong sa sugal na mitsa ng iba’t ibang krimen.

Base sa mga impormasyong nakalap ng PNP, nadagdagan pa at hindi lamang sa Pilipinas may operasyon ng ilegal na e-sabong kundi talamak na rin ito sa ibang bansa.

Facebook Comments