Pulis Pampanga na nasawi sa isang drug ops, binigyan ng parangal ng PNP

Binisita ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang burol ng isa sa dalawang pulis Pampanga na napatay ng mga drug suspek sa kanilang operasyon.

Ginawaran din ni Azurin si Police Sr. Master Sergeant Sofronio Capitle Jr., ng medalya ng kagalingan.

Maliban dito nagkaloob din ang liderato ng PNP ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya ni Capitle na nagpamalas ng kanyang kabayanihan sa paggampan ng kanilang tungkulin.


Matatandaang kamakailan habang sakay ng motorsiklo sina Capitle at Police Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr., matapos ang kanilang anti-illegal drugs operations nang pagbabarilin sila ng mga suspek dahilan nang agaran nilang pagkamatay.

Sa ngayon, nahaharap ang mga suspek sa patong-patong na reklamo.

Samantala, sa pakikipag-usap ng PNP chief sa naulilang pamilya ni Capitle, nangako ito na pabibilisin ang proseso upang agad na makuha ng mga ito ang benepisyo ng yumaong alagad ng batas.



Facebook Comments