PNP, kinuwestyon ang panukalang Philippine Legislative Police

Manila, Philippines – Kinuwestyon ng PNP ang hirit ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang pagkakaroon ng legislative police.

Sa interview ng RMN kay PNP Spokesperson, Sr/Supt. Dionardo Carlos, nais nila na mabigyang linaw kay Fariñas ang ipinapanukala nito.

Aniya, may mga pulis nang itinalaga para magbigay ng seguridad sa mga mambabatas maging sa Batasan.


Paniniwala naman ni Senator Panfilo Lacson, sapat na ang pagkakaroon ng dalawang kapulungan ng sergeant at arms.

Sinabi naman ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon, wala siyang nakikitang pangangailangan para bumuo ng legislative police pero bukas naman aniya syang tingnan ang laman ng nasabing panukala.

Facebook Comments