
Kumpyansa ang Philippine National Police (PNP) na nasa bansa pa rin ang 2 high-profile wanted person na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at negosyanteng si Atong Ang.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., malabong bumalik si Bantag sa Cordillera kung saan taliwas ito sa unang nabanggit ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla na itinatago ito ng tribo sa kabundukan.
Tiniyak naman ni Nartatez na may nakalatag ng plano ang PNP para mahuli si Bantag pati na rin ang Negosyanteng si Atong Ang.
Samantala ayo kay Nartatez, hindi bababa sa 10 operasyon na ang kanilang isinagawa para matunton si Ang ngunit ang lahat ng ito ay negatibo.
Hindi naman tumitigil ang pambansang pulisya sa paghahanap sa mga nasabing wanted persons.
Dagdag pa ni Nartatez na maglalaan ng 500 hanggang 600 milyong pisong pondo para sa pagbili ng mga drones at ito ay manggagaling sa insurance ng mga nasirang aircrafts noon.
Layon ng nasabing drones na magamit para sa mga manhunt ng nasabing mga wanted persons.










