PNP LINGAYEN, NAGPAMALAS NG KABAYANIHAN SA PAGTULONG SA ISANG BABAENG MALAPIT NG MANGANAK

Kilala ang mga pulis bilang tagapagtanggol ng naaapi at pagpapanatili ng kaayusa’t katahimikan sa komunidad subalit sila ay mas kilala sa pagiging matulungin sa mga taong nangangailangan.
Pinatunayan yan ng kapulisan sa pangunguna ni Police Lieutenant Julfre E. Ayson ng kanyang grupo matapos tulungan nila ang isang babae sa kanyang panganganak lulan ng sasakyang tricycle.
Ayon sa report, isang pangkaraniwang araw lamang iyon at nakasanayan na nila ang pagsasagawa ng comelec checkpoint tuwing papalapit na eleksyon, ngunit hindi nila inaasahan na sa kanilang pagpara at pag verify check ng mga driver ng minamanehong sasakyan ay matutulungan nila ang isang babaeng malapit ng manganak.

Kung kaya naman, agarang aksyon ang ipinamalas ng kapulisan mula sa PNP Lingayen sa matagumpay na pagpapaanak ng isang sanggol na babae ng kanyang ina at pagdala sa mga ito sa hospital upang mabiyayaan din ng medikal na atensyon.
Tunay ngang kabayanihan ito na talaga namang kapuri-puri at talaga namang kahanga-hanga.
Kaya naman mula dito sa iFM Dagupan, saludo kami sa inyong ipinamalas na kabayanihan at pagtupad ng inyong tungkulin na makatulong sa mga nangangailangan. |ifmnews
Facebook Comments