PNP Luna, Inaming Plinano ang Paghalughog sa BJMP Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Plinano ng PNP Luna na ipahalughog ang BJMP Cauayan matapos makatanggap ng impormasyon na mayroon umanong nagyayaring transaksyon ng iligal na droga sa naturang selda.

Ito ang kinumpirma ni Police Senior Inspector Heriel Frogoso ang Hepe ng PNP Luna na ikinasa ang Oplan Greyhound matapos malaman mula sa kanilang confidential informant na isa sa kanilang subject sa droga ay mayroong transaksyon sa BJMP Cauayan na umanoy dito bumibili ng ipinagbabawal na gamot.

Dahil dito ay nakipag-ugnayan umano ang PNP Luna kay PNP Provincial Director PSSupt. Mariano Rodriguez maging sa iba pang hanay ng pulisya at PDEA upang ikasa ang Oplan Greyhound sa BJMP Cauayan kung saan nakarekober ang mga operatiba ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa mismong pasilyo ng selda matapos ang mahigit tatlong oras na paghahalughog.


Ayon pa sa hepe, Pinaghihinalaan umano nila na mula sa isang trustee ng selda ang pinanggalingan ng naturang hinihinalang shabu na ngayon ay hawak na ng PNP Crime Laboratory.

Facebook Comments