PNP, mag-de-deploy ng 8,000 mga pulis kasabay ng paggunita ng EDSA People Power

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa inaasahang kaliwa’t kanang kilos-protesta kasabay ng komemorasyon ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power sa Pebrero a-25.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief Police Colonel Randulf Tuaño, 8,000 pulis ang kanilang i-de-deploy sa nabanggit na araw.

Ito’y upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa mga ikakasang pagkilos.


Una nang inanunsyo ng mga grupong ‘Tama na’ Bagong Alyansang Makabayan at iba pa na magsasagawa sila ng kilos-protesta upang ipanawagan ang pagpapatalsik sa pwesto kay Vice President Sara Duterte at ang panawagang papanagutin sa umano’y kapalpakan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments