PNP, magde-deploy ng mas maraming mobile patrols kontra sa mga kriminal na mananamantala sa sitwasyon

Iniutos na ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang pagdeploy ng mas maraming mobile patrols at paigtingin ang Police visibility sa Metro Manila kaugnay sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa PNP Chief, ito ay preventive measure lang para matiyak  na hindi makapagsamantala ang mga kriminal sa umiiral na sitwasyon.

Pero sinabi ni Gamboa na naging kapuna-puna ang pagbaba ng crime rate sa Metro Manila sa nakalipas na 5 araw na ipinatutupad ang enhanced community quarantine.


Wala aniyang natanggap na validated report ng crime incident ang PNP sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan sa mga nakalipas na araw.

Pero, inatasan pa rin ni Gamboa ang mga local Police units na makipag-ugnayan sa mga security managers ng commercial centers at vital facilities, maging sa barangay authorities ng mga residential communities para  magtatag ng “neighborhood watch systems” para sa seguridad ng mga komunidad.

Facebook Comments