PNP, magdedeploy ng mga tauhan sa mga lugar na pagdarausan ng campaign rallies at iba pang election activities

Ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan sa mga lugar na gaganapan ng campaign rallies, meeting de avance, motorcade at iba lang aktibidad sa pangangampanya.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, magiging mahigpit ang kanilang pagbabantay sa ground sa pagsisimula ng campaign period sa February 8 para sa national candidates at March 25 para sa local candidates.

Sinabi pa ni Carlos na nasa panahon pa rin tayo ng pandemya kaya dapat ay masunod ang panuntunan ng COMELEC upang hindi maging superspreader events ang mga aktibidad sa panahon ng kampanya.


Kinakailangan aniyang magsilbing halimbawa ang mga kandidato sa pagsunod sa health protocols ng gobyerno.

Batay sa inilabas na patakaran ng COMELEC sa ilalim ng Resolution 10732, bawal sa pangangampanya ang pagbabahay-bahay, pakikipag-kamay at iba pang uri ng physical contact, pagpapa-picture ng walang social distancing at pamamahagi ng pagkain at inumin.

Facebook Comments