Nakatakdang maghain ng petition for clarificatory ang Philippine National Police (PNP) sa Davao City Regional Trial Court (RTC) matapos maglabas ng temporary protection order ang korte pabor sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nais malinawan ng PNP hinggil sa naging desisyon ng korte nang sa ganon ay guided ang kanilang mga kilos.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Fajardo na masyado pang maaga para magdiwang ang mga miyembro ng KOJC.
Sabi ni Col. Fajardo, malinaw na nakasaad sa protection order na dapat tanggalin lang ng PNP ang mga harang at barikada sa KOJC compound pero walang sinasabing pinapahinto ang pagsisilbi ng warrant of arrest kay Apollo Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito.
Samantala, sa kabila ng resistance ng mga KOJC member na nagresulta sa pananakit sa ilang mga pulis, nananatiling high morale ang mga ito.
Dumating na rin ang augmentation team mula sa iba pang Police Regional Offices para humalili sa mga pulis na nauna nang nai-deploy sa lugar.