PNP, magkakaroon na ng sariling COVID-19 testing center

Gumagawa na ngayon ng sariling COVID-19 testing center ang Philippine National Police (PNP) dahil dumarami ang mga pulis na may sintomas ng COVID-19.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, ang COVID-19 testing center ay tinatawag na Reverse Transcription (Real Time) – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing na pasado na sa Department of Health (DOH).

Sa ngayon aniya nagsasanay ang apat na miyembro ng PNP Health Service para maitalaga sa ginagawang COVID-19 testing center lalo’t hindi na ito kakayanin pang i-accommodate ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).


Paliwanag ni Gamboa, ginagawa nila ito dahil ayaw na nilang maging pabigat sa gobyerno sa pagaasikaso sa mga nagpopositibo at nagkakaroon ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments