PNP: Magkasunod na holiday, generally peaceful

Mapayapa sa pangkalahatan ang magkasunod na regular holiday sa bansa.

Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police (PNP) kung saan walang naitalang major untoward incident.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, naglatag sila ng seguridad sa magkasunod na pista opisyal para matiyak na magiging maayos, mapayapa at ligtas ang nagdaang Araw ng Kagitingan at selebrasyon ng Eid’l Fitr.


Sinabayan kasi ng kaliwa’t kanang kilos-protesta ang ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan habang naging masaya naman ang selebrasyon ng Eid’l Fitr ng mga kapatid nating Muslim kung saan sama sama ang mga ito na nag-picnic kahapon kasabay ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

Ani Fajardo, magtutuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagbabantay ng Pambansang Pulisya lalo na’t umiiral pa rin ang Oplan Summer Vacation.

Facebook Comments