Ikakalat na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga imbestigador para mangalap ng ebidensya laban sa mga local officials na kinurakot ang pera na para sana sa mga mahihirap nilang constituents.
Ito ay matapos na iutos mismo ito ni DILG Secretary Eduardo Año sa PNP na magsagawa ng case build up operations laban sa mga tiwaling local chief executives.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac ang PNP Directorate for Investigation and Detective Management ang tututok sa gagawing imbestigasyon ng mga PNP Investigators.
Habang ang mga imbestigador ng PNP CIDG ang magbubusisi sa mga disbursement records, resibo, iba pang dokument na magsisilbing ebidensya sa katiwalian ng ilang local chief executives.
Matatandaang sa nakalipas na public address ng Pangulong Rodrigo Duterte binanggit nito ang isang Barangay Chairman sa Bulacan na umanoy binawasan ang cah aid na para sana sa kanyang mga ka barangay.