PNP magrerecruit ng 17,000 bagong pulis ngayong taon

 

Nangagailangan ang Philippine National Police ng 17,000 na mga bagong pulis ngayong taong 2020 kaugnay sa kanilang Recruitment Program.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac ang 10,000 na mga bagong pulis ay  irerecruit para sa annual recruitment qouta at ang 7000 na mga bagong pulis ay additional qouta na pampalit sa mga namatay, nadismissed at nag AWOL  na pulis.

 

Sinabi ni Banac maaring mag apply ang lahat ng babae at lalaki na may edad 21 anyos hanggang 30 anyos,


 

Sinabi naman ni PNP OIC Lt Gen Archie Francisco Gamboa, na titiyakin nila na best at qualified na candidates ang mapipili nila.

 

Sasailalim aniya ang mga candidates police sa mandatory procedures of test, interviews at physical and psychological examinations.

 

Ang mare recruit na bagong pulis ay agad may ranggong Patrolman na may gross monthly salary P29,668.00 at iba pang mga allowances.

Facebook Comments