PNP, magsasagawa ng reporma sa neuro examination sa kanilang hanay

Ikokonsidera ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang palagiang pagsasagawa ng neuro examination sa kanilang hanay.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Police General Ildebrandi Usana na posible na nila itong isagawa ngayon kada anim na buwan o kada isang taon.

Layon aniya nitong masuri ang behavior ng isang pulis.


Paliwanag ni Usana, sadyang napaka- stressful kasi ng trabaho ng isang pulis na kung minsan ay napapabayaan na nito ang sarili nyang pamilya kung kaya’t mahalagang masuri ang kanilang mentalidad upang matukoy kung sila ay nasa katinuan pa.

Reaksyon ito ng kalihim matapos ang nangyaring karumal-dumal na pagpatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Tarlac noong Linggo kung saan ginamit ng suspek ang kanyang service firearm sa pagpatay sa mga biktima.

Sa ngayon, isinasagawa ang neuro exam sa hanay ng Pambansang Pulisya sa recruitment, schooling at kanilang promotion lamang.

Facebook Comments