2021 national budget, lalagdaan ni Pangulong Duterte sa December 28

Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed P4.506-trillion national budget para sa 2021 sa darating na December 28 sa Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dadalo ang limang kongresista at limang senador sa naturang ceremonial signing.

Sinabi pa ni Roque na natanggap ng Palasyo ang kopya ng 2021 budget noong Biyernes at bubusisiin itong maigi ng Pangulo upang tingnan kung mayroong mga line item siya na nais i-veto.


Popondohan nito ang ating healthcare system, public and digital infrastructure at ang patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic kasama ang pambili ng mga aangkating bakuna.

Facebook Comments