Manila, Philippines – Magdadagdag ang Phil. National Police ng mga tauhan sa Marawi City at Lanao del Sur.
Ito ay sa harap na rin ng inaasahang pagsasagawa ng rehabilitasyon sa Marawi City kaugnay sa patuloy na gyera ng tropa ng pamahalaan at Maute Terrorist Group.
Ayon kay DILG Officer In Charge Catalino Cuy, nabigyan na ng sapat na bilang ng tauhan ang Marawi City PNP sa pamamagitan ni Chief of Police Supt. Ebra Moxir Al Haj.
Maging si Lanao del Sur Acting Prov Director Senior Supt. John Gano Guyguyun ay nakausap na rin para sa dagdag na tauhan.
Layon aniya ng paglalagay ng dagdag na tao sa dalawang lugar ay upang mapanatili ang peace order.
Sinabi pa ni Cuy na sa ngayon may problema sila sa pagtukoy ng mga may ari ng mga lote sa Marawi City pero nagagawan naman daw ng paraan sa tulong ng ibang security agencies.