PNP, mahigpit na babantayan ang pagkakaroon ng mass gathering sa mga selebrasyon ng fiesta

Mahigpit na pinapatutukan ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan ang mga selebrasyon ng fiesta sa bawat lugar sa bansa.

Ayon kay Eleazar, ngayong fiesta season marami pa rin ang nagsasagawa ng mass gathering kahit pa ito ay ipinagbabawal dahil malaki ang posilibidad na magkahawaan ng COVID-19.

Sinabi ni Eleazar na sa ngayon ay mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) kabilang ang mga barangay para matiyak na walang makakapagsagawa ng mass gathering kahit pa fiesta.


Giit ni Elezar, madali ang hawahan tuwing may mga kainan, prusisyon, o kahit anong selebrasyon.

Aniya, ito ang mga tinatawag na ‘super spreader events’ kaya aniya huwag isugal ang ating kaligtasan at kalusugan sa mga ganitong selebrasyon.

Mahigpit naman ang bilin ni PNP Chief sa kanyang mga tauhan na huwag na huwag sasaktan, paparusahan o hihiyain ang sinumang lalabag sa protocols.

Matatandaang kagabi ay utos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga LGU na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa mass gathering lalo na ngayong fiesta season.

Facebook Comments