PNP, makikipag-collaborate sa DICT para labanan ang paglaganap ng AI generated videos

Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Information and Communications Technology o DICT para tulungan sila sa paglaban sa Artificial Intelligence (AI) sa social media.

Ayon kay PNP Chief Police General Nicolas Torre III, nakababahala na kasi ang mga kumakalat na AI generated videos na target ang prominente at matataas na lider ng bansa.

Pinakahuli rito ay ang AI generated video ni Pangulong Bongbong Marcos na nagpo-promote ng investment platform.

Dahil dito, plano ng PNP na bumuo ng mga programa para malabanan ang maling paggamit ng mga teknolohiya.

Pinaalalahanan din ni Torre ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga ganitong post online na nanghihimok ng mga investment para maiwasan ang anomang scam.

Facebook Comments