PNP, makikipag-ugnayan sa IATF kaugnay sa ipapatupad na health protocols sa panahon ng kampanya

Aalamin ng Philippine National Police (PNP) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga partikular na health protocols na ipapatupad sa panahon ng pangangampanya.

Ayon kay PNP Chief Lt. Gen. Dionardo Carlos, kailangang may malinaw na guidelines ang PNP kung ano ang mga pinapayagang aktibidad sa kampanya sa ilalim ng iba’t ibang alert level.

Sa oras na may guidelines na ay agad nila itong ipatutupad.


Paalala naman ng PNP chief na sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi dahilan para magpabaya na sa pagsunod sa minimum public health standards.

Panawagan naman PNP chief sa mga kandidato na pulungin ang kanilang mga supporter at campaign staff para planuhin kung paano maisasagawa ang kanilang kampanya nang hindi lalabag sa health protocols.

Facebook Comments