PNP, makikipagtulungan sa BI kaugnay ng POGO kidnappings

Sanib pwersa ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI) upang matigil na ang mga napapaulat na kidnapping ng mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., nahihirapan ang pulisya na i-trace ang mga umano’y biktima dahil wala din silang record ng mga manggagawang Chinese na pumapasok sa bansa.

Aniya, mas maganda kung ika-categorize ng BI ang mga Chinese workers mula sa iba’t ibang bansa bukod sa China na pumapasok sa Pilipinas kung saan sila natatrabaho at ibigay ang impormasyon sa PNP.


Suhestyon din nitong dapat magkaroon ng listahan ang PNP ng lehitimong POGO sa bansa para mabantayan ang mga ito at hindi maging biktima ng krimen.

Una nang sinabi ng PNP na karamihan ng mga POGO related kidnapping incident ay may kinalaman sa pagkabigong magbayad ng utang ng mga biktima.

Facebook Comments