Thailand, handang tumulong sa food security at turismo ng Pilipinas

76

Handa ang Thailand na tumulong sa economic recovery ng Pilipinas partikular na sa larangan ng food security at turismo.

Ito ang ipinabatid ni Ambassador of Thailand to the Philippines, H.E. Tull Traisorat kay Department of Defense (DND) officer-in-charge Sr. Usec. Jose Faustino Jr., sa kanyang pagbisita sa Camp Aguinaldo.

Sa pulong ng 2 opisyal, napag-usapan ang iba’t ibang larangan ng potensyal na kooperasyon ng dalawang bansa kabilang ang possibleng pagtutulungan sa humanitarian and disaster relief.


Samantala, pinuri naman ni Faustino ang patuloy na matatag na ugnayang pandepensa ng dalawang bansa sa gitna ng pandemya, partikular ang pagpapalitan ng best practices na nakatulong sa paglaban sa terorismo at internal security threats.

Sa panig naman ni Ambassador Traisorat, hinikayat nito ang bansa na panatilihin ang strong and active defense relations kabilang na ang logistics at ugnayan sa mga ASEAN countries.

Facebook Comments