Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mas magiging mahigpit sila sa pagsasagawa ng background investigation, neuro exam at drug test para sa mga nag-a-apply na maging gun owners.
Ito ay sa harap na rin ng pangambang mass shooting katulad ng nangyayari sa Amerika.
Ayon kay PNP Directorate for Operation Major General Valeriano de Leon, umaasa silang makikipagtulungan ang mga nag-a-apply na gun owners sa prosesong ipinatutupad ng PNP para lang matiyak na nasa maayos na pag-iisip ang sinumang mabibigyan ng lisensya para magkaroon ng sariling baril.
Samantala, nanawagan din si De Leon sa gun owners na expired na na ang lisensya na mag-renew upang hindi magkaroon ng kaso at maharap sa pagkakakulong.
Ang mga pahayag na ito ni De Leon ay kaniyang sinabi sa ginanap na gun exhibit sa SM Megamall kahapon.