PNP, mas pinaigting ang kampanya laban sa iligal na sabong ngayong may pandemya

30

Iniutos ni Philippine National Police Chief (PNP) Police General Guillermo Eleazar ang mas malawakang crackdown laban sa tupada o iligal na sabong.

Ayon kay Eleazar, may direktiba na sya sa lahat ng mga police commander na bantayan ang kanilang area of responsibility upang mas maging maigting ang kampanya laban sa tupada.


Ito ay matapos ang pagkakaaresto ng 17 indibidwal kasama na ang barangay captain sa Calamba, Laguna dahil sa tupada na lumabag sa minimum public health safety protocols.

Ayon kay PNP Chief, ang tupada rin ang dahilan nang pagkamatay ni Edwin Arnigo na napatay ng pulis sa Valenzuela, kaya nakakalungkot na may nag-ooperate pa rin nito.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na rin si Eleazar kay Department of the Interior and the Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año upang bigyan sila ng clearance na magsampa ng kaso sa mga opisyal ng barangay na may presensya ng tupada sa kanilang lugar.

Babala ngayon ni Eleazar sa lahat ng mga pulis na huwag masangkot at huwag maging protektor ng tupada o anumang sugal dahil may kalalagyan ang mga ito.



Facebook Comments