Nananawagan ang Philippine National Police (PNP) sa siklistang sinaktan at kinasahan ng baril ni Wilfredo Gonzales kamakailan sa Quezon City.
Ayon kay PNP Spokesperson Pcol. Jean Fajardo, mas bibigat pa kasi ang kaso ni Gonzales kung ang mismong siklista ang maghahain ng reklamo laban dito.
Maaari aniyang sampahan si Gonzales ng grave threat at attempted homicide.
Maging ang video uploader o sinumang testigo ay maaari aniyang makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa karagadagang asunto na ihahain laban kay Gonzales.
Sa ngayon, tanging alarm and scandal lamang ang kasong isinampa ng QCPD Galas station kay Gonzales.
Matatandaang matapos ang insidente, lumutang ang patong patong na kaso ang kinakaharap ni Gonzales kabilang na ang administrative, criminal at civil case.
Na-dismiss din bilang isang pulis si Gonzales noong 2018 matapos maibasura ng korte ang kanyang mosyon.