PNP, may contigency plan sakaling magkaroon ng gulo sa panahong umiiral ang enhanced community quarantine

Nakalatag na ang contingency plan ng Philippine National Police (PNP) sakaling magkaroon ng kaguluhan sa panahong umiiral ang enhanced community quarantine.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, pinalakas nila ang police visibility sa mga lansangan para maiwasan ang anumang krimen. Sa ngayon, nananatili aniyang payapa at maayos ang sitwasyon sa buong Luzon simula nang ipatupad ang lockdown.

Una nang pinasinungalingan ng PNP ang mga ulat sa social media na may mga insidente ng gulo at nakawan sa ilang bahay. Gayundin ang abiso kung saan nakasaad ang oras ng paglabas sa bahay para makapamili.


Fake news din ayon kay Banac ang abisong mag-i-spray ng disinfectant ang ilang special military heicopters sa bansa para puksain ang virus.

Iniimbestigahan na ng PNP anti-cybercrime group ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon.

 

Facebook Comments