Monday, March 16, 2026

PNP, may lead na sa gunman na pumatay sa magkaibigan sa Nueva Ecija

May lead na ang Philippine National Police (PNP) sa gunman na sangkot sa pagpatay at pagsunog sa dalawang indibidwal sa Nueva Ecija.

Ayon kay Nueva Ecija Police Provincial Office Director Police Col. Ritchie Claravall, may pagkakakilanlan na ang nasabing gunman na posible ring isang hired killer, ngunit hindi pa nila pwedeng maibahagi ang iba pang mga detalye dahil sa nagpapatuloy ang manhunt operation laban sa kanya.

Sa huling monitoring ng Nueva Ecija Police nasa Region 3 lamang nagtatago ang nasabing suspek.

Samantala, naaresto na ng mga operatiba ng PNP ang tricycle driver na isa sa mga suspek sa nasabing krimen.

Naaresto ang nasabing suspek noong March 12 sa isang mall sa Sta. Rosa sa nasabing lugar.

Ayon pa kay Claravall, hindi pa na-e-establish kung ang nasabing naarestong tricycle driver ang siya ring buyer na makakatransaksyon sana ng mga biktima.

Sa ngayon, limang suspek na ang hawak ng mga awtoridad kasama ang pangunahing suspek.

Facebook Comments