Pagsasampa ng kaso laban sa Dunkin Donuts, ipinagpaliban muna ng BIR

64

Manila, Philippines – Ipinagpaliban na muna ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsasampa ng kaso laban sa Dunkin Donuts.

Kaugnay ito ng natanggap na reklamo ng BIR, higit anim na buwan na ang nakalilipas dahil sa hindi nito pagbabayad ng buwis.

Ayon kay BIR Commissioner Ceasar Dulay – inatasan na muna niya si BIR Deputy Commissioner Jesus Aranas na tapusin ang imbestigasyon hinggil sa reklamo para makapagbigay ng rekomendasyon.

Kaugnay nito, nakatakdang maglabas ng panibagong Letter of Authority si Dulay para maipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa kaso. 

Facebook Comments