PNP, may paalala sa mga raliyista kaugnay sa mga ‘no rally zone’

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Philippine National Police sa mga raliyista kaugnay sa mga lugar na idineklarang ‘no rally zone’ sa Metro Manila.

Kabilang dito ang US Embassy at iba pang mga embahada at tanggapan ng mga international groups.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, non-negotiable para sa protesta ang mga nabanggit na lugar na pinostehan na ng mga pulis.


Inabisuhan din ng PNP ang mga organizer ng rally na tiyaking hindi sila mahahaluan ng mga mananabotahe sa aktibidad.

Facebook Comments